1 Mga Hari 5

“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng Templo para sa Panginoon na kanyang Diyos dahil palagi siyang nakikipagdigma sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban.

1 Kings 5:3 (UKJV) You know how that David my father could not build an house unto the name of the LORD his God for the wars which were about him on every side, until the LORD put them under the soles of his feet.

1Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tiro at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagsugo siya ng kanyang mga opisyal kay Solomon.

2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:

3“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng Templo para sa Panginoon na kanyang Diyos dahil palagi siyang nakikipagdigma sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban.

4Ngunit ngayon ay binigyan ako ng Panginoon na aking Diyos ng kapayapaan sa paligid, wala na akong mga kalaban at wala na ring panganib.

5Kaya naisip kong magpatayo ng Templo para sa pangalan ng Panginoon na aking Diyos, ayon sa sinabi ng Panginoon sa aking amang si David. Ito ang kanyang sinabi, ‘Ang iyong anak, na ipapalit ko sa iyo bilang hari, ang siyang magpapatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.