1Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tiro at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagsugo siya ng kanyang mga opisyal kay Solomon.
2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:
3“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng Templo para sa Panginoon na kanyang Diyos dahil palagi siyang nakikipagdigma sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban.
4Ngunit ngayon ay binigyan ako ng Panginoon na aking Diyos ng kapayapaan sa paligid, wala na akong mga kalaban at wala na ring panganib.