2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:
3“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng Templo para sa Panginoon na kanyang Diyos dahil palagi siyang nakikipagdigma sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban.
4Ngunit ngayon ay binigyan ako ng Panginoon na aking Diyos ng kapayapaan sa paligid, wala na akong mga kalaban at wala na ring panganib.
5Kaya naisip kong magpatayo ng Templo para sa pangalan ng Panginoon na aking Diyos, ayon sa sinabi ng Panginoon sa aking amang si David. Ito ang kanyang sinabi, ‘Ang iyong anak, na ipapalit ko sa iyo bilang hari, ang siyang magpapatayo ng Templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’
6“Kaya iutos mo sa iyong mga tauhan na pumutol ng mga puno ng sedro sa Lebanon para sa akin. Patutulungin ko sa kanila ang mga tauhan ko at uupahan ko ang mga tauhan mo ayon sa gusto mo. At alam mo rin na wala talaga kaming tao na mahusay pumutol ng mga puno tulad ng mga tauhan mong Sidoneo.”