10At ang mga kuwarto sa mga gilid at likod ng Templo, na ang taas ay pitoʼt kalahating talampakan, na nakakabit sa Templo ay ginamitan din ng mga bigang sedro.
11Sinabi ng Panginoon kay Solomon,
12“Kung tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos, tutuparin ko rin sa pamamagitan mo ang ipinangako ko kay David na iyong ama.
13Maninirahan ako kasama ng mga Israelita sa Templong ito na iyong ipinatayo at hindi ko sila pababayaan.”
14Natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo.