3Ang luwang ng balkonahe ng Templo ay 15 talampakan, at ang haba ay 30 talampakan na katulad mismo ng luwang ng Templo.
4Nagpagawa rin si Solomon ng mga bintana sa Templo. Mas malaki ang sukat nito sa loob kaysa sa labas.
5Nagpagawa rin siya ng mga kuwarto sa mga gilid at likod ng Templo. Ang mga kuwartong ito ay may tatlong palapag at nakadugtong sa pader ng Templo.
6Ang luwang ng unang palapag ay pitoʼt kalahating talampakan, siyam na talampakan ang pangalawang palapag at ang pangatlong palapag naman ay sampuʼt kalahating talampakan. Ang pader ng Templo ay unti-unting numinipis sa bawat palapag upang maipatong ang mga kuwarto sa pader nang hindi na kailangan ng mga biga.
7Nang ipinatayo ang Templo, ang mga batong ginamit ay tinabas na sa pinagkunan nito, kaya wala nang maririnig na pukpok ng martilyo, palakol o anumang gamit na bakal.