1 Mga Hari 7

Ang hugis ng mga ulo ng mga haligi ay parang mga bulaklak na liryo. At natapos ang pagpapagawa ng mga haligi.

1 Kings 7:22 (UKJV) And upon the top of the pillars was lily work: so was the work of the pillars finished.

20Ang bawat ulo ng dalawang haligi ay napapaligiran ng dalawang hilera na may dalawandaang palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata. Ang palamuting ito ay nasa ibabaw ng bilog na bahagi ng ulo, sa tabi ng mga kadena.

21Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng Templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jaquin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz.

22Ang hugis ng mga ulo ng mga haligi ay parang mga bulaklak na liryo. At natapos ang pagpapagawa ng mga haligi.

23Pagkatapos, gumawa si Huram ng malaking lalagyan ng tubig na parang kawa, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay 15 talampakan at ang sukat sa paligid ay 45 talampakan.

24Napapalibutan ito ng dalawang hilerang palamuti sa ilalim ng bibig nito. Ang bilog-bilog na palamuting ito ay nakapalibot, anim bawat isang talampakan. Kasama na itong ginawa nang gawin ang sisidlan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.