1 Mga Hari 7

Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng Templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jaquin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz.

1 Kings 7:21 (UKJV) And he set up the pillars in the porch of the temple: and he set up the right pillar, and called the name thereof Jachin: and he set up the left pillar, and called the name thereof Boaz.

19Ang hugis ng ulo ng mga haligi sa balkonahe ay parang mga bulaklak na liryo, at ang taas nito ay anim na talampakan.

20Ang bawat ulo ng dalawang haligi ay napapaligiran ng dalawang hilera na may dalawandaang palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata. Ang palamuting ito ay nasa ibabaw ng bilog na bahagi ng ulo, sa tabi ng mga kadena.

21Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng Templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jaquin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz.

22Ang hugis ng mga ulo ng mga haligi ay parang mga bulaklak na liryo. At natapos ang pagpapagawa ng mga haligi.

23Pagkatapos, gumawa si Huram ng malaking lalagyan ng tubig na parang kawa, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay 15 talampakan at ang sukat sa paligid ay 45 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.