43ang sampung kariton at ang sampung planggana nito;
44ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat at ang labindalawang tansong toro sa ilalim nito;
45ang mga palayok, mga pala at mga mangkok na ginagamit pangwisik. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.
46Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.
47Napakarami ng mga bagay na ito, kaya hindi na ito ipinakilo ni Solomon; hindi alam kung ilang kilo ang mga tansong ito.