1 Mga Hari 7

Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.

1 Kings 7:46 (UKJV) In the plain of Jordan did the king cast them, in the clay ground between Succoth and Zarthan.

44ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat at ang labindalawang tansong toro sa ilalim nito;

45ang mga palayok, mga pala at mga mangkok na ginagamit pangwisik. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.

46Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.

47Napakarami ng mga bagay na ito, kaya hindi na ito ipinakilo ni Solomon; hindi alam kung ilang kilo ang mga tansong ito.

48Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa Templo ng Panginoon: ang gintong altar; ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.