1 Mga Hari 8

“Kung ang inyo pong mga mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo, Panginoon, na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa Templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,

1 Kings 8:44 (UKJV) If your people go out to battle against their enemy, anywhere you shall send them, and shall pray unto the LORD toward the city which you have chosen, and toward the house that I have built for your name:

43dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.

44“Kung ang inyo pong mga mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo, Panginoon, na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa Templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,

45dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.

46“Kung magkasala sila sa inyo – dahil wala kahit isa man na hindi nagkakasala – at sa inyong galit ay ipinatalo nʼyo sila sa kanilang mga kalaban at binihag sa sariling lupain at dinala sila sa malayo o sa malapit na lugar,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.