54Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin at kahilingan sa Panginoon, tumayo siya sa harapan ng altar ng Panginoon, kung saan siya nakaluhod at nakataas ang mga kamay sa langit.
55Binasbasan niya ang buong sambayanan ng Israel at sinabi nang may malakas na tinig,
56“Purihin ang Panginoon na nagbigay ng kapahingahan sa mga mamamayan niyang Israelita ayon sa kanyang ipinangako. Tinupad niya ang lahat ng ipinangako niya kay Moises na kanyang lingkod.
57Samahan sana tayo ng Panginoon na ating Diyos tulad ng pagsama niya sa ating mga ninuno. Huwag sana niya tayong itaboy o pabayaan.
58Gawin sana niya tayong masunurin sa kanya para makapamuhay tayo ayon sa kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa ating mga ninuno.