1 Mga Hari 9

Tatlong beses sa bawat taon, nag-aalay si Solomon ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan doon sa altar na ipinagawa niya para sa Panginoon. Nagsusunog din siya ng mga insenso sa presensya ng Panginoon. Kaya natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo.

1 Kings 9:25 (UKJV) And three times in a year did Solomon offer burnt offerings and peace offerings upon the altar which he built unto the LORD, and he burnt incense upon the altar that was before the LORD. So he finished the house.

23Ang 550 sa kanila ay ginawa ni Solomon na mga opisyal na mamamahala sa mga manggagawa ng kanyang mga proyekto.

24Nang matapos na ang palasyo na ipinagawa ni Solomon para sa kanyang asawa, na anak ng Faraon, inilipat niya ang kanyang asawa roon mula sa Lungsod ni David. Pagkatapos, pinatambakan niya ng lupa ang mababang bahagi ng lungsod.

25Tatlong beses sa bawat taon, nag-aalay si Solomon ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan doon sa altar na ipinagawa niya para sa Panginoon. Nagsusunog din siya ng mga insenso sa presensya ng Panginoon. Kaya natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo.

26Nagpagawa rin si Haring Solomon ng mga barko sa Ezion-geber, malapit sa Elat na sakop ng Edom, sa baybayin ng Dagat na Pula.

27Nagpadala si Hiram ng mga bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.