1 Pedro 1

Walang pinapaboran ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.

1 Peter 1:17 (UKJV) And if all of you call on the Father, who without respect of persons judges according to every man's work, pass the time of your sojourning here in fear:

15Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

16Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”

17Walang pinapaboran ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.

18Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak,

19kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.