1Dahil ipinanganak na kayong muli, talikuran na ninyo ang lahat ng uri ng kasamaan: pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at lahat ng paninirang-puri.
2Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espirituwal, upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan
3ngayong naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.
4Siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya,
5kayo rin, tulad ng mga batong buháy ay itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.