1 Pedro 2

kayo rin, tulad ng mga batong buháy ay itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

1 Peter 2:5 (UKJV) All of you also, as lively stones, are built up a spiritual house, an holy priesthood, to offer up spiritual sacrifices, acceptable to God by Jesus Christ.

3ngayong naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.

4Siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya,

5kayo rin, tulad ng mga batong buháy ay itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

6Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan: “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”

7Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Diyos. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.