1 Pedro 5

Isinulat ko sa inyo ang maikling liham na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Kristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ang biyaya sa atin ng Diyos. Manatili kayo sa kanyang biyaya.

1 Peter 5:12 (UKJV) By Silvanus, a faithful brother unto you, as I suppose, I have written briefly, exhorting, and testifying that this is the true grace of God wherein all of you stand.

10Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

11Purihin siya sa kapangyarihan niyang walang hanggan! Amen.

12Isinulat ko sa inyo ang maikling liham na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Kristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ang biyaya sa atin ng Diyos. Manatili kayo sa kanyang biyaya.

13Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Diyos na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak.

14Magbatian kayo bilang magkakapatid na nakay Kristo. Sa inyong lahat na nakay Kristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.