12Isinulat ko sa inyo ang maikling liham na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Kristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ang biyaya sa atin ng Diyos. Manatili kayo sa kanyang biyaya.
13Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Diyos na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak.
14Magbatian kayo bilang magkakapatid na nakay Kristo. Sa inyong lahat na nakay Kristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.