1 Samuel 1

Nangako si Ana sa Panginoon. Sinabi niya, “O Panginoon ng mga Hukbo, tingnan po ninyo ang aking paghihirap. Alalahanin ninyo ang inyong lingkod at huwag ninyo akong kalimutan. Kung bibigyan nʼyo po ako ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo para maglingkod sa inyo sa buong buhay niya. At bilang tanda ng lubos niyang pagsunod sa inyo, hinding-hindi ko po pagugupitan ang kanyang buhok.”

1 Samuel 1:11 (UKJV) And she vowed a vow, and said, O LORD of hosts, if you will indeed look on the affliction of yours handmaid, and remember me, and not forget yours handmaid, but will give unto yours handmaid a male child, then I will give him unto the LORD all the days of his life, and there shall no razor come upon his head.

9Minsan, pagkatapos nilang kumain sa Silo, tumayo si Ana at nanalangin nang umiiyak dahil sa labis na kalungkutan. Nakaupo noon ang pari na si Eli sa may pintuan ng bahay ng Panginoon.

11Nangako si Ana sa Panginoon. Sinabi niya, “O Panginoon ng mga Hukbo, tingnan po ninyo ang aking paghihirap. Alalahanin ninyo ang inyong lingkod at huwag ninyo akong kalimutan. Kung bibigyan nʼyo po ako ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo para maglingkod sa inyo sa buong buhay niya. At bilang tanda ng lubos niyang pagsunod sa inyo, hinding-hindi ko po pagugupitan ang kanyang buhok.”

12Habang patuloy siyang nananalangin sa Panginoon, nakita ni Eli na bumubuka ang bibig ni Ana pero hindi naririnig ang kanyang boses. Inakala ni Eli na lasing si Ana,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.