7Ganito ang laging nangyayari taon-taon. Sa tuwing pupunta si Ana sa bahay ng Panginoon, iniinis siya ni Penina hanggang sa umiyak na lang siya at hindi na kumain.
8Sinasabi ni Elcana sa kanya, “Bakit ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Bakit ka malungkot? Mas mahalaga ba para saʼyo ang sampung anak kaysa sa akin?”
9Minsan, pagkatapos nilang kumain sa Silo, tumayo si Ana at nanalangin nang umiiyak dahil sa labis na kalungkutan. Nakaupo noon ang pari na si Eli sa may pintuan ng bahay ng Panginoon.
11Nangako si Ana sa Panginoon. Sinabi niya, “O Panginoon ng mga Hukbo, tingnan po ninyo ang aking paghihirap. Alalahanin ninyo ang inyong lingkod at huwag ninyo akong kalimutan. Kung bibigyan nʼyo po ako ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo para maglingkod sa inyo sa buong buhay niya. At bilang tanda ng lubos niyang pagsunod sa inyo, hinding-hindi ko po pagugupitan ang kanyang buhok.”