1 Samuel 1

Matapos katayin ang toro, dinala nila si Samuel kay Eli.

1 Samuel 1:25 (UKJV) And they slew a bullock, and brought the child to Eli.

23Sumagot si Elcana, “Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay mabuti. Dito ka na lang muna hanggang sa puwede nang mahiwalay saʼyo ang bata. Tulungan ka sana ng Panginoon na matupad ang ipinangako mo sa kanya.” Kaya nagpaiwan si Ana at inalagaan ang kanyang anak.

24Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.

25Matapos katayin ang toro, dinala nila si Samuel kay Eli.

26Sinabi ni Ana kay Eli, “Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon.

27Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.