1 Samuel 1

Sinabi ni Ana kay Eli, “Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon.

1 Samuel 1:26 (UKJV) And she said, Oh my lord, as your soul lives, my lord, I am the woman that stood by you here, praying unto the LORD.

24Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.

25Matapos katayin ang toro, dinala nila si Samuel kay Eli.

26Sinabi ni Ana kay Eli, “Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon.

27Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.

28Kaya ngayon, ihahandog ko po siya sa Panginoon. Maglilingkod po ang batang ito sa Panginoon sa buong buhay niya.” Pagkatapos ay sumamba sila sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.