1 Samuel 1

Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.

1 Samuel 1:24 (UKJV) And when she had weaned him, she took him up with her, with three bullocks, and one ephah of flour, and a bottle of wine, and brought him unto the house of the LORD in Shiloh: and the child was young.

22ngunit si Ana ay hindi sumama. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Kapag puwede nang mahiwalay sa akin ang bata, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon upang ihandog, at doon na siya titira sa buong buhay niya.”

23Sumagot si Elcana, “Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay mabuti. Dito ka na lang muna hanggang sa puwede nang mahiwalay saʼyo ang bata. Tulungan ka sana ng Panginoon na matupad ang ipinangako mo sa kanya.” Kaya nagpaiwan si Ana at inalagaan ang kanyang anak.

24Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.

25Matapos katayin ang toro, dinala nila si Samuel kay Eli.

26Sinabi ni Ana kay Eli, “Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.