1 Samuel 1

ngunit si Ana ay hindi sumama. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Kapag puwede nang mahiwalay sa akin ang bata, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon upang ihandog, at doon na siya titira sa buong buhay niya.”

1 Samuel 1:22 (UKJV) But Hannah went not up; for she said unto her husband, I will not go up until the child be weaned, and then I will bring him, that he may appear before the LORD, and there abide for ever.

20At dumating ang panahon na nagbuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel, dahil sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”

21Nang dumating ang taunang paghahandog ni Elcana sa Panginoon, pumunta siya sa Silo kasama ang kanyang buong pamilya, upang maghandog at tuparin ang kanyang panata,

22ngunit si Ana ay hindi sumama. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Kapag puwede nang mahiwalay sa akin ang bata, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon upang ihandog, at doon na siya titira sa buong buhay niya.”

23Sumagot si Elcana, “Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay mabuti. Dito ka na lang muna hanggang sa puwede nang mahiwalay saʼyo ang bata. Tulungan ka sana ng Panginoon na matupad ang ipinangako mo sa kanya.” Kaya nagpaiwan si Ana at inalagaan ang kanyang anak.

24Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Ana sa bahay ng Panginoon sa Silo. Nagdala rin siya ng tatlong taóng gulang na toro, kalahating sako ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang-balat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.