1 Samuel 10

Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya na nagpapahayag ng propesiya kasama ng mga propeta, tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong nangyari sa anak ni Kish na si Saul? Propeta na rin ba siya?”

1 Samuel 10:11 (UKJV) And it came to pass, when all that knew him in time past saw that, behold, he prophesied among the prophets, then the people said one to another, What is this that has come unto the son of Kish? Is Saul also among the prophets?

9Nang maghiwalay sila ni Samuel, binago ng Diyos ang buhay ni Saul, at ang lahat ng sinabi sa kanya ni Samuel ay nangyari nang araw na iyon.

10Pagdating ni Saul at ng kanyang utusan sa Gibea, sinalubong siya ng isang grupo ng mga propeta. Napuspos siya ng Espiritu ng Diyos at nagpropesiya din siya ng mensahe ng Diyos kasama ng mga propetang iyon.

11Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya na nagpapahayag ng propesiya kasama ng mga propeta, tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong nangyari sa anak ni Kish na si Saul? Propeta na rin ba siya?”

12Sumagot ang isang lalaking tagaroon, “Sino ba ang kanilang ama?” Dito nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”

13Pagkatapos magpahayag ng mensahe ng Diyos, pumunta si Saul sa sambahan sa mataas na lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.