1 Samuel 11

Sumagot si Nahas sa mga Amonita, “Payag ako, sa isang kundisyon. Dudukutin ko ang kanang mata ng bawat isa sa inyo para mapahiya ang buong Israel.”

1 Samuel 11:2 (UKJV) And Nahash the Ammonite answered them, On this condition will I make a covenant with you, that I may thrust out all your right eyes, and lay it for a reproach upon all Israel.

1Nang panahong iyon, pinaligiran ni Nahas na hari ng mga Amonita at ng mga kasama niyang sundalo ang lungsod ng Jabes-gilead. At sinabi ng mga mamamayan ng Jabes-gilead sa kanya, “Gumawa kayo ng kasunduan sa amin at magpapasakop kami sa inyo.”

2Sumagot si Nahas sa mga Amonita, “Payag ako, sa isang kundisyon. Dudukutin ko ang kanang mata ng bawat isa sa inyo para mapahiya ang buong Israel.”

3Sinabi ng mga tagapamahala ng Jabes, “Bigyan mo kami ng pitong araw upang makapagsugo kami ng mga mensaherong magpapakalat ng mensaheng ito sa buong Israel. Kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa inyo.”

4Dumating ang mga mensahero sa Gibea, kung saan nakatira si Saul. Nang sabihin nila sa mga tao ang sinabi ni Nahas, humagulgol ang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.