2Sumagot si Nahas sa mga Amonita, “Payag ako, sa isang kundisyon. Dudukutin ko ang kanang mata ng bawat isa sa inyo para mapahiya ang buong Israel.”
3Sinabi ng mga tagapamahala ng Jabes, “Bigyan mo kami ng pitong araw upang makapagsugo kami ng mga mensaherong magpapakalat ng mensaheng ito sa buong Israel. Kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa inyo.”
4Dumating ang mga mensahero sa Gibea, kung saan nakatira si Saul. Nang sabihin nila sa mga tao ang sinabi ni Nahas, humagulgol ang lahat.
5Nang oras na iyon, pauwi si Saul galing sa bukid niya hilahila ang kanyang mga baka. Nang marinig niya ang iyakan, nagtanong siya, “Ano ang nangyari? Bakit nag-iiyakan ang mga tao?” Kaya sinabi ng mga tao sa kanya ang mensahe ng mga taga-Jabes.
6Nang marinig ito ni Saul, napuspos siya ng Espiritu ng Diyos at nagalit siya nang matindi.