1 Samuel 12

Sinabi nila kay Samuel, “Ipanalangin nʼyo po kami sa Panginoon na iyong Diyos upang hindi kami mamatay, dahil dinagdagan namin ang aming mga kasalanan nang humingi kami ng hari.”

1 Samuel 12:19 (UKJV) And all the people said unto Samuel, Pray for your servants unto the LORD your God, that we die not: for we have added unto all our sins this evil, to ask us a king.

17Hindi baʼt panahon ngayon ng pag-aani ng trigo at hindi umuulan? Mananalangin ako sa Panginoon na magpakulog at magpaulan, at nang mapag-isip-isip ninyo kung gaano kasama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon nang humingi kayo ng hari.”

18Nanalangin nga si Samuel sa Panginoon, at nang araw ding iyon ay nagpakulog at nagpaulan ang Panginoon. Kaya ang lahat ng tao roon ay nagkaroon ng matinding takot sa Panginoon at kay Samuel.

19Sinabi nila kay Samuel, “Ipanalangin nʼyo po kami sa Panginoon na iyong Diyos upang hindi kami mamatay, dahil dinagdagan namin ang aming mga kasalanan nang humingi kami ng hari.”

20Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Kahit na nakagawa kayo ng masama, huwag ninyong talikuran ang Panginoon, sa halip ay paglingkuran ninyo siya nang buong puso.

21Huwag kayong bumaling sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo, dahil wala silang silbi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.