1 Samuel 12

Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Kahit na nakagawa kayo ng masama, huwag ninyong talikuran ang Panginoon, sa halip ay paglingkuran ninyo siya nang buong puso.

1 Samuel 12:20 (UKJV) And Samuel said unto the people, Fear not: all of you have done all this wickedness: yet turn not aside from following the LORD, but serve the LORD with all your heart;

18Nanalangin nga si Samuel sa Panginoon, at nang araw ding iyon ay nagpakulog at nagpaulan ang Panginoon. Kaya ang lahat ng tao roon ay nagkaroon ng matinding takot sa Panginoon at kay Samuel.

19Sinabi nila kay Samuel, “Ipanalangin nʼyo po kami sa Panginoon na iyong Diyos upang hindi kami mamatay, dahil dinagdagan namin ang aming mga kasalanan nang humingi kami ng hari.”

20Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Kahit na nakagawa kayo ng masama, huwag ninyong talikuran ang Panginoon, sa halip ay paglingkuran ninyo siya nang buong puso.

21Huwag kayong bumaling sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo, dahil wala silang silbi.

22Alang-alang sa kanyang pangalan, hindi kayo pababayaan ng Panginoon. Ikinalulugod niyang gawin kayong mga mamamayan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.