1 Samuel 12

Huwag kayong bumaling sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo, dahil wala silang silbi.

1 Samuel 12:21 (UKJV) And turn all of you not aside: for then should all of you go after vain things, which cannot profit nor deliver; for they are vain.

19Sinabi nila kay Samuel, “Ipanalangin nʼyo po kami sa Panginoon na iyong Diyos upang hindi kami mamatay, dahil dinagdagan namin ang aming mga kasalanan nang humingi kami ng hari.”

20Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Kahit na nakagawa kayo ng masama, huwag ninyong talikuran ang Panginoon, sa halip ay paglingkuran ninyo siya nang buong puso.

21Huwag kayong bumaling sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo, dahil wala silang silbi.

22Alang-alang sa kanyang pangalan, hindi kayo pababayaan ng Panginoon. Ikinalulugod niyang gawin kayong mga mamamayan niya.

23“Tungkol naman sa akin, hindi ako titigil ng pananalangin sa Panginoon para sa inyo dahil kung magkaganoon, magkakasala ako sa Panginoon. Tuturuan ko rin kayong mamuhay nang tama at matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.