21Huwag kayong bumaling sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo, dahil wala silang silbi.
22Alang-alang sa kanyang pangalan, hindi kayo pababayaan ng Panginoon. Ikinalulugod niyang gawin kayong mga mamamayan niya.
23“Tungkol naman sa akin, hindi ako titigil ng pananalangin sa Panginoon para sa inyo dahil kung magkaganoon, magkakasala ako sa Panginoon. Tuturuan ko rin kayong mamuhay nang tama at matuwid.
24Ngunit dapat kayong magkaroon ng takot sa Panginoon at maglingkod sa kanya nang tapat at buong puso. Alalahanin ninyo ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya sa inyo.
25Ngunit kung magpapatuloy kayo sa paggawa ng masama, kayo at ang hari ninyo ay lilipulin.”