1 Samuel 14

May bangin sa magkabilang gilid ng dinadaanan ni Jonatan papunta sa kampo ng mga Filisteo ay may bangin; ang isaʼy tinatawag na Bozez at ang isaʼy tinatawag na Sene.

1 Samuel 14:4 (UKJV) And between the passages, by which Jonathan sought to go over unto the Philistines' garrison, there was a sharp rock on the one side, and a sharp rock on the other side: and the name of the one was Bozez, and the name of the other Seneh.

2Si Saul naman noon ay nakakampo sa labas ng Gibea, sa ilalim ng isang punong pomegranata sa Migron. May kasama siyang animnaraang na lalaki sa di-kalayuan.

3Naroon din ang paring si Ahias na nakasuot ng efod ng pari. Si Ahias ay anak ni Ahitob na kapatid ni Icabod. Si Ahitob ay anak ni Finehas na anak naman ni Eli, ang paring naglingkod noon sa Panginoon sa Silo. Walang nakapansin na umalis si Jonatan.

4May bangin sa magkabilang gilid ng dinadaanan ni Jonatan papunta sa kampo ng mga Filisteo ay may bangin; ang isaʼy tinatawag na Bozez at ang isaʼy tinatawag na Sene.

5Ang isaʼy nasa gawing hilaga at nakaharap sa Micmas, at ang isaʼy nasa gawing timog at nakaharap sa Gibea.

6Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala ng kanyang armas, “Puntahan natin ang kampo ng mga taong ʼyon na hindi tuli. Baka sakaling tulungan tayo ng Panginoon, dahil walang makakapigil kung loloobin niyang magtagumpay tayo, kahit marami o kakaunti tayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.