1 Samuel 14

Naroon din ang paring si Ahias na nakasuot ng efod ng pari. Si Ahias ay anak ni Ahitob na kapatid ni Icabod. Si Ahitob ay anak ni Finehas na anak naman ni Eli, ang paring naglingkod noon sa Panginoon sa Silo. Walang nakapansin na umalis si Jonatan.

1 Samuel 14:3 (UKJV) And Ahiah, the son of Ahitub, Ichabod's brother, the son of Phinehas, the son of Eli, the LORD's priest in Shiloh, wearing an ephod. And the people knew not that Jonathan was gone.

1Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak ni Saul sa binatang tagapagdala ng kanyang armas, “Halika, pumunta tayo sa kampo ng mga Filisteo.” Ngunit hindi niya ito sinabi sa kanyang ama.

2Si Saul naman noon ay nakakampo sa labas ng Gibea, sa ilalim ng isang punong pomegranata sa Migron. May kasama siyang animnaraang na lalaki sa di-kalayuan.

3Naroon din ang paring si Ahias na nakasuot ng efod ng pari. Si Ahias ay anak ni Ahitob na kapatid ni Icabod. Si Ahitob ay anak ni Finehas na anak naman ni Eli, ang paring naglingkod noon sa Panginoon sa Silo. Walang nakapansin na umalis si Jonatan.

4May bangin sa magkabilang gilid ng dinadaanan ni Jonatan papunta sa kampo ng mga Filisteo ay may bangin; ang isaʼy tinatawag na Bozez at ang isaʼy tinatawag na Sene.

5Ang isaʼy nasa gawing hilaga at nakaharap sa Micmas, at ang isaʼy nasa gawing timog at nakaharap sa Gibea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.