1 Samuel 14

Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak ni Saul sa binatang tagapagdala ng kanyang armas, “Halika, pumunta tayo sa kampo ng mga Filisteo.” Ngunit hindi niya ito sinabi sa kanyang ama.

1 Samuel 14:1 (UKJV) Now it came to pass on a day, that Jonathan the son of Saul said unto the young man that bare his armour, Come, and let us go over to the Philistines' garrison, that is on the other side. But he told not his father.

1Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak ni Saul sa binatang tagapagdala ng kanyang armas, “Halika, pumunta tayo sa kampo ng mga Filisteo.” Ngunit hindi niya ito sinabi sa kanyang ama.

2Si Saul naman noon ay nakakampo sa labas ng Gibea, sa ilalim ng isang punong pomegranata sa Migron. May kasama siyang animnaraang na lalaki sa di-kalayuan.

3Naroon din ang paring si Ahias na nakasuot ng efod ng pari. Si Ahias ay anak ni Ahitob na kapatid ni Icabod. Si Ahitob ay anak ni Finehas na anak naman ni Eli, ang paring naglingkod noon sa Panginoon sa Silo. Walang nakapansin na umalis si Jonatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.