1 Samuel 14

Pagkatapos, nanalangin si Saul, “Panginoon, Diyos ng Israel, ipaalam nʼyo po sa amin kung sino ang nagkasala.” Sa pamamagitan ng palabunutan, sina Saul at Jonatan ang napiling nagkasala at hindi ang mga tao.

1 Samuel 14:41 (UKJV) Therefore Saul said unto the LORD God of Israel, Give a perfect lot. And Saul and Jonathan were taken: but the people escaped.

39Isinusumpa ko sa ngalan ng buháy na Panginoon na nagligtas sa mga Israelita, mamamatay ang nagkasala kahit siya pa ang anak kong si Jonatan.” Ngunit wala ni isa mang nagsalita sa mga Israelita.

40Sinabi pa niya sa lahat ng mga Israelita, “Tumayo kayo riyan at tatayo rin kami ng anak kong si Jonatan dito.” Pumayag naman ang mga tao.

41Pagkatapos, nanalangin si Saul, “Panginoon, Diyos ng Israel, ipaalam nʼyo po sa amin kung sino ang nagkasala.” Sa pamamagitan ng palabunutan, sina Saul at Jonatan ang napiling nagkasala at hindi ang mga tao.

42Sinabi ni Saul, “Magpalabunutan kami ngayon para malaman kung sino sa aming dalawa ni Jonatan ang nagkasala. At si Jonatan ang nabunot.”

43Tinanong ni Saul si Jonatan, “Ano ang ginawa mo?” Sumagot si Jonatan, “Isinawsaw ko po ang dulo ng patpat ko sa pulot at kumain ako ng kaunti. Karapat-dapat po ba akong mamatay?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.