1 Samuel 15

Sinabi ni Samuel, “Tumigil ka na! Pakinggan mo ang sinabi ng Panginoon sa akin kagabi.” “Ano iyon?” Tanong ni Saul.

1 Samuel 15:16 (UKJV) Then Samuel said unto Saul, Stay, and I will tell you what the LORD has said to me this night. And he said unto him, Say on.

14Ngunit sinabi ni Samuel, “Kung totoong sinunod mo ang utos ng Panginoon, bakit may naririnig akong ingay ng mga tupa at unga ng mga baka?”

15Sumagot si Saul, “Ang mga iyon ay ang pinakamagandang tupa at mga baka, dala ng mga sundalo galing sa mga Amalekita. Hindi nila pinatay dahil iaalay nila sa Panginoon na iyong Diyos, pero maliban sa mga iyon, pinatay namin ang lahat.”

16Sinabi ni Samuel, “Tumigil ka na! Pakinggan mo ang sinabi ng Panginoon sa akin kagabi.” “Ano iyon?” Tanong ni Saul.

17Sinabi ni Samuel, “Kahit na maliit ang tingin mo sa iyong sarili noong una, pinili ka pa rin ng Panginoon na maging hari ng buong lahi ng Israel.

18Inutusan ka niyang isagawa ang isang pakay, sinabi niya, ‘Humayo ka at ubusin mo ang mga Amalekita dahil silaʼy mga masasamang tao; labanan mo sila hanggang sa maubos silang lahat.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.