1 Samuel 15

Inutusan ka niyang isagawa ang isang pakay, sinabi niya, ‘Humayo ka at ubusin mo ang mga Amalekita dahil silaʼy mga masasamang tao; labanan mo sila hanggang sa maubos silang lahat.’

1 Samuel 15:18 (UKJV) And the LORD sent you on a journey, and said, Go and utterly destroy the sinners the Amalekites, and fight against them until they be consumed.

16Sinabi ni Samuel, “Tumigil ka na! Pakinggan mo ang sinabi ng Panginoon sa akin kagabi.” “Ano iyon?” Tanong ni Saul.

17Sinabi ni Samuel, “Kahit na maliit ang tingin mo sa iyong sarili noong una, pinili ka pa rin ng Panginoon na maging hari ng buong lahi ng Israel.

18Inutusan ka niyang isagawa ang isang pakay, sinabi niya, ‘Humayo ka at ubusin mo ang mga Amalekita dahil silaʼy mga masasamang tao; labanan mo sila hanggang sa maubos silang lahat.’

19Pero bakit hindi ka sumunod sa Panginoon? Bakit dali-dali ninyong sinamsam ang mga ari-arian nila? Bakit mo ginawa ang masamang bagay na ito sa Panginoon?”

20Sumagot si Saul, “Sinunod ko naman ang Panginoon. Ginawa ko ang iniutos niya sa akin. Binihag ko si Agag, ang hari ng mga Amalekita, at nilipol ko nang lubusan ang mga taong nasasakupan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.