1 Samuel 15

Sumagot si Saul, “Sinunod ko naman ang Panginoon. Ginawa ko ang iniutos niya sa akin. Binihag ko si Agag, ang hari ng mga Amalekita, at nilipol ko nang lubusan ang mga taong nasasakupan niya.

1 Samuel 15:20 (UKJV) And Saul said unto Samuel, Yea, I have obeyed the voice of the LORD, and have gone the way which the LORD sent me, and have brought Agag the king of Amalek, and have utterly destroyed the Amalekites.

18Inutusan ka niyang isagawa ang isang pakay, sinabi niya, ‘Humayo ka at ubusin mo ang mga Amalekita dahil silaʼy mga masasamang tao; labanan mo sila hanggang sa maubos silang lahat.’

19Pero bakit hindi ka sumunod sa Panginoon? Bakit dali-dali ninyong sinamsam ang mga ari-arian nila? Bakit mo ginawa ang masamang bagay na ito sa Panginoon?”

20Sumagot si Saul, “Sinunod ko naman ang Panginoon. Ginawa ko ang iniutos niya sa akin. Binihag ko si Agag, ang hari ng mga Amalekita, at nilipol ko nang lubusan ang mga taong nasasakupan niya.

21Kinuha ng mga sundalo ko ang pinakamagagandang tupa at baka mula sa mga nasamsam sa digmaan. Dinala nila ang mga ito para ihandog sa Panginoon na iyong Diyos sa Gilgal.”

22Ngunit sumagot si Samuel, “Mas nalulugod ba ang Panginoon sa mga handog ninyo kaysa sa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa Panginoon ay mas mabuti kaysa sa mga handog. Ang pakikinig sa kanya ay mas mabuti kaysa sa paghahandog ng mga taba ng tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.