1 Samuel 15

Ang pagsuway sa Panginoon ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng uloʼy kasinsamá ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Dahil sa sinuway mo ang salita ng Panginoon, itinakwil ka na niya bilang hari.”

1 Samuel 15:23 (UKJV) For rebellion is as the sin of witchcraft, and stubbornness is as iniquity and idolatry. Because you have rejected the word of the LORD, he has also rejected you from being king.

21Kinuha ng mga sundalo ko ang pinakamagagandang tupa at baka mula sa mga nasamsam sa digmaan. Dinala nila ang mga ito para ihandog sa Panginoon na iyong Diyos sa Gilgal.”

22Ngunit sumagot si Samuel, “Mas nalulugod ba ang Panginoon sa mga handog ninyo kaysa sa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa Panginoon ay mas mabuti kaysa sa mga handog. Ang pakikinig sa kanya ay mas mabuti kaysa sa paghahandog ng mga taba ng tupa.

23Ang pagsuway sa Panginoon ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng uloʼy kasinsamá ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Dahil sa sinuway mo ang salita ng Panginoon, itinakwil ka na niya bilang hari.”

24Sinabi ni Saul kay Samuel, “Nagkasala ako; hindi ko sinunod ang mga turo mo at ang utos ng Panginoon. Natakot ako sa mga tao, kaya sinunod ko ang gusto nilang mangyari.

25Nagmamakaawa ako sa iyo na patawarin mo ako sa mga kasalanan ko at samahan mo ako sa pagsamba sa Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.