23Ang pagsuway sa Panginoon ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng uloʼy kasinsamá ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Dahil sa sinuway mo ang salita ng Panginoon, itinakwil ka na niya bilang hari.”
24Sinabi ni Saul kay Samuel, “Nagkasala ako; hindi ko sinunod ang mga turo mo at ang utos ng Panginoon. Natakot ako sa mga tao, kaya sinunod ko ang gusto nilang mangyari.
25Nagmamakaawa ako sa iyo na patawarin mo ako sa mga kasalanan ko at samahan mo ako sa pagsamba sa Panginoon.”
26Ngunit sinabi ni Samuel sa kanya, “Hindi ako sasáma sa iyo. Dahil sa pagsuway mo sa utos ng Panginoon, itinakwil ka niya bilang hari ng Israel.”
27Pagtalikod ni Samuel para umalis, hinawakan ni Saul ang laylayan ng damit niya at napunit ito.