27Pagtalikod ni Samuel para umalis, hinawakan ni Saul ang laylayan ng damit niya at napunit ito.
28Sinabi ni Samuel sa kanya, “Inalis na sa iyo ngayon ng Panginoon ang kaharian ng Israel at ibinigay ito sa iba – sa isang tao na mas nakahihigit kaysa sa iyo.
29Ang Diyos ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi tulad ng tao na pabago-bago ng isip.”
30Sumagot si Saul, “Nagkasala ako! Nakikiusap ako, panatilihin mo ang dangal ko sa harap ng mga tagapamahala ng aking mga mamamayan at ng buong Israel sa pamamagitan ng pagsama sa akin sa pagsamba sa Panginoon na iyong Diyos.”
31Kaya sumáma si Samuel kay Saul at sumamba si Saul sa Panginoon.