1 Samuel 15

Sinabi ni Samuel sa kanya, “Inalis na sa iyo ngayon ng Panginoon ang kaharian ng Israel at ibinigay ito sa iba – sa isang tao na mas nakahihigit kaysa sa iyo.

1 Samuel 15:28 (UKJV) And Samuel said unto him, The LORD has rent the kingdom of Israel from you this day, and has given it to a neighbour of yours, that is better than you.

26Ngunit sinabi ni Samuel sa kanya, “Hindi ako sasáma sa iyo. Dahil sa pagsuway mo sa utos ng Panginoon, itinakwil ka niya bilang hari ng Israel.”

27Pagtalikod ni Samuel para umalis, hinawakan ni Saul ang laylayan ng damit niya at napunit ito.

28Sinabi ni Samuel sa kanya, “Inalis na sa iyo ngayon ng Panginoon ang kaharian ng Israel at ibinigay ito sa iba – sa isang tao na mas nakahihigit kaysa sa iyo.

29Ang Diyos ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi tulad ng tao na pabago-bago ng isip.”

30Sumagot si Saul, “Nagkasala ako! Nakikiusap ako, panatilihin mo ang dangal ko sa harap ng mga tagapamahala ng aking mga mamamayan at ng buong Israel sa pamamagitan ng pagsama sa akin sa pagsamba sa Panginoon na iyong Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.