1 Samuel 15

Sumagot si Saul, “Nagkasala ako! Nakikiusap ako, panatilihin mo ang dangal ko sa harap ng mga tagapamahala ng aking mga mamamayan at ng buong Israel sa pamamagitan ng pagsama sa akin sa pagsamba sa Panginoon na iyong Diyos.”

1 Samuel 15:30 (UKJV) Then he said, I have sinned: yet honour me now, I pray you, before the elders of my people, and before Israel, and return with me, that I may worship the LORD your God.

28Sinabi ni Samuel sa kanya, “Inalis na sa iyo ngayon ng Panginoon ang kaharian ng Israel at ibinigay ito sa iba – sa isang tao na mas nakahihigit kaysa sa iyo.

29Ang Diyos ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi tulad ng tao na pabago-bago ng isip.”

30Sumagot si Saul, “Nagkasala ako! Nakikiusap ako, panatilihin mo ang dangal ko sa harap ng mga tagapamahala ng aking mga mamamayan at ng buong Israel sa pamamagitan ng pagsama sa akin sa pagsamba sa Panginoon na iyong Diyos.”

31Kaya sumáma si Samuel kay Saul at sumamba si Saul sa Panginoon.

32Sinabi ni Samuel, “Dalhin mo sa akin si Agag na hari ng mga Amalekita.” Tiwalang-tiwalang lumapit si Agag kay Samuel. Iniisip niyang hindi na siya papatayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.