8Tinawag ni Jesse si Abinadab at pinapunta kay Samuel. Ngunit sinabi ni Samuel, “Hindi rin siya ang pinili ng Panginoon.”
9Pagkatapos, pinapunta ni Jesse si Shama kay Samuel, pero sinabi ni Samuel, “Hindi rin siya ang pinili ng Panginoon.”
10Pito na sa mga anak ni Jesse ang pinapunta niya kay Samuel, pero ganito ang sinabi ni Samuel sa kanya: “Wala ni isa man sa kanila ang pinili ng Panginoon.”
11Tinanong ni Samuel si Jesse, “Sila na bang lahat ang anak mo?” Sumagot si Jesse, “May isa pa, ang bunso, pero nagpapastol siya ng mga tupa.” Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo siya. Hindi tayo magpapatuloy sa ating gagawin hanggaʼt hindi siya dumarating.”
12Kaya ipinatawag ni Jesse si David at pinapunta sa kanila. Magandang lalaki siya, mamula-mula ang mukha at maganda ang mga mata. Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Pahiran mo siya ng langis dahil siya ang pinili ko.”