1 Samuel 16

Sumagot si Samuel, “Oo, nandito ako para maghandog sa Panginoon. Maglinis kayo ng sarili ninyo at sumáma kayo sa akin sa paghahandog.” Pagkatapos, ginawa ni Samuel ang seremonya para linisin si Jesse at ang kanyang mga anak at inanyayahan din sila sa paghahandog.

1 Samuel 16:5 (UKJV) And he said, Peaceably: I am come to sacrifice unto the LORD: sanctify yourselves, and come with me to the sacrifice. And he sanctified Jesse and his sons, and called them to the sacrifice.

3Imbitahin mo si Jesse na sumáma sa paghahandog at sasabihin ko saʼyo kung ano ang gagawin mo. Ituturo ko kung sino sa mga anak niya ang pinili kong maging hari. At papahiran mo ng langis ang kanyang ulo.”

4Sinunod ni Samuel ang iniutos ng Panginoon. Pagdating niya sa Bethlehem, sinalubong siya ng mga tagapamahala ng bayan na nanginginig sa takot. Nagtanong sila, “Kapayapaan po ba ang pakay ninyo sa pagpunta rito?”

5Sumagot si Samuel, “Oo, nandito ako para maghandog sa Panginoon. Maglinis kayo ng sarili ninyo at sumáma kayo sa akin sa paghahandog.” Pagkatapos, ginawa ni Samuel ang seremonya para linisin si Jesse at ang kanyang mga anak at inanyayahan din sila sa paghahandog.

6Pagdating nila, nakita ni Samuel si Eliab at naisip niya, “Siguradong siya na ang pinili ng Panginoon na maging hari.”

7Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.