1 Samuel 17

Iniwan ni David ang mga dala-dala niya sa tagapag-asikaso ng mga kailangan ng hukbo, at tumakbo siya sa lugar ng labanan at kinumusta ang mga kapatid niya.

1 Samuel 17:22 (UKJV) And David left his carriage in the hand of the keeper of the carriage, and ran into the army, and came and saluted his brethren.

20Kaya kinabukasan, madaling-araw pa lang ay bumangon na si David at inihanda ang mga pagkaing dadalhin niya. Iniwan niya ang mga tupa sa isang pastol at siyaʼy umalis ayon sa iniutos ni Jesse. Nang dumating siya sa kampo ng mga Israelita, palabas na ang mga sundalong nagsisigawan para makipaglaban.

21Maya-maya, magkaharap na ang mga Israelita at mga Filisteo na handa nang maglaban.

22Iniwan ni David ang mga dala-dala niya sa tagapag-asikaso ng mga kailangan ng hukbo, at tumakbo siya sa lugar ng labanan at kinumusta ang mga kapatid niya.

23Habang kinakausap niya sila, lumabas si Goliat, ang mahusay na mandirigma na taga-Gat, at pumunta sa unahan ng mga Filisteo. Hinamon na naman niya ang mga Israelita at narinig ito ni David.

24Nang makita ng mga Israelita si Goliat, nagtakbuhan sila dahil sa sobrang takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.