21Maya-maya, magkaharap na ang mga Israelita at mga Filisteo na handa nang maglaban.
22Iniwan ni David ang mga dala-dala niya sa tagapag-asikaso ng mga kailangan ng hukbo, at tumakbo siya sa lugar ng labanan at kinumusta ang mga kapatid niya.
23Habang kinakausap niya sila, lumabas si Goliat, ang mahusay na mandirigma na taga-Gat, at pumunta sa unahan ng mga Filisteo. Hinamon na naman niya ang mga Israelita at narinig ito ni David.
24Nang makita ng mga Israelita si Goliat, nagtakbuhan sila dahil sa sobrang takot.
25Nag-usap-usap sila, “Nakita ba ninyo ang lalaking iyon na lumabas para hamunin ang Israel? Bibigyan ng hari ng malaking gantimpala ang sinumang makakapatay sa kanya. Hindi lang iyan, ibibigay pa niya sa makakapatay ang isa sa mga anak niyang babae para maging asawa nito, at hindi na magbabayad ng buwis sa Israel ang kanyang sambahayan.”