23Habang kinakausap niya sila, lumabas si Goliat, ang mahusay na mandirigma na taga-Gat, at pumunta sa unahan ng mga Filisteo. Hinamon na naman niya ang mga Israelita at narinig ito ni David.
24Nang makita ng mga Israelita si Goliat, nagtakbuhan sila dahil sa sobrang takot.
25Nag-usap-usap sila, “Nakita ba ninyo ang lalaking iyon na lumabas para hamunin ang Israel? Bibigyan ng hari ng malaking gantimpala ang sinumang makakapatay sa kanya. Hindi lang iyan, ibibigay pa niya sa makakapatay ang isa sa mga anak niyang babae para maging asawa nito, at hindi na magbabayad ng buwis sa Israel ang kanyang sambahayan.”
26Nagtanong si David sa mga taong nakatayo malapit sa kanya, “Ano ang gantimpalang matatanggap ng taong makakapatay sa taong ito para matigil na ang panghihiya niya sa Israel? At sino ba itong hindi tuling Filisteong ito na humahamon sa mga sundalo ng buháy na Diyos?”
27At sumagot ang mga sundalo, sinabi nila, “Tulad ng narinig mo, iyon nga ang gantimpala sa makakapatay kay Goliat.”