1 Samuel 17

Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David. Kaya ipinatawag niya ito.

1 Samuel 17:31 (UKJV) And when the words were heard which David spoke, they rehearsed them before Saul: and he sent for him.

29Sinabi ni David, “Ano ba ang ginawa ko? Nagtatanong lang ako.”

30Tinalikuran niya si Eliab at nagtanong sa iba para linawin ang mga nalaman niya kanina at ganoon din ang sagot na natanggap niya.

31Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David. Kaya ipinatawag niya ito.

32Pagdating ni David, sinabi niya kay Saul, “Wala po ni isa man sa atin ang dapat na panghinaan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako na po na inyong lingkod ang makikipaglaban sa kanya.”

33Sumagot si Saul kay David, “Hindi mo kayang makipaglaban sa kanya. Bata ka pa, habang siyaʼy mandirigma na mula pa sa kanyang pagkabata.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.