30Tinalikuran niya si Eliab at nagtanong sa iba para linawin ang mga nalaman niya kanina at ganoon din ang sagot na natanggap niya.
31Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David. Kaya ipinatawag niya ito.
32Pagdating ni David, sinabi niya kay Saul, “Wala po ni isa man sa atin ang dapat na panghinaan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako na po na inyong lingkod ang makikipaglaban sa kanya.”
33Sumagot si Saul kay David, “Hindi mo kayang makipaglaban sa kanya. Bata ka pa, habang siyaʼy mandirigma na mula pa sa kanyang pagkabata.”
34Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Matagal na po akong nagbabantay sa mga kawan ng aking ama. Kung may leon o oso na tatangay sa mga tupa,