1 Samuel 17

Nagawa ko po ito sa mga leon at oso, at gagawin ko rin ito sa Filisteong iyon na hindi nakakakilala sa Diyos dahil hinahamon po niya ang mga sundalo ng buháy na Diyos.

1 Samuel 17:36 (UKJV) Your servant slew both the lion and the bear: and this uncircumcised Philistine shall be as one of them, seeing he has defied the armies of the living God.

34Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Matagal na po akong nagbabantay sa mga kawan ng aking ama. Kung may leon o oso na tatangay sa mga tupa,

35tinutugis ko po ito at binubugbog, at kinukuha ang tupa. Kung lalaban ito hinuhuli ko ito sa leeg at hinahampas hanggang sa mamatay.

36Nagawa ko po ito sa mga leon at oso, at gagawin ko rin ito sa Filisteong iyon na hindi nakakakilala sa Diyos dahil hinahamon po niya ang mga sundalo ng buháy na Diyos.

37Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong iyon.” Sinabi ni Saul kay David, “Sige, lumakad ka na. Patnubayan ka sana ng Diyos.”

38Ibinigay niya at ipinasuot kay David ang mga kasuotan niyang pandigma – ang tansong helmet at panangga sa dibdib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.